Defense Assec sibak sa katiwalian
September 27, 2006 | 12:00am
Dahil sa katiwalian, inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang rekomendasyon ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na sibakin sa tungkulin si Defense Assistant Secretary Ricardo San Andres.
Sinabi ni PAGC Chairman Constancia de Guzman na kumita sa gobyerno si San Andres kahit nakabakasyon ito dahil kinontrata ito ng European Commission para sa isang proyekto.
Lumagda ito ng kontrata na hindi siya tatanggap ng sahod sa DND bilang Assec habang nakakontrata siya sa EC, pero hindi nagbakasyon sa tungkulin si San Andres at sa halip, tumanggap pa rin siya ng suweldo sa DND habang nagtatrabaho siya sa EC.
Si San Andres ang pangalawang ranking official ng Arroyo administration na nasibak sa puwesto sa ilalim ng pinalakas na kampanya laban sa katiwalian.
Noong nakaraang buwan, si Undersecretary Salvador Pleyto ay nasipa rin sa tungkulin sa kasong paglabag sa batas laban sa korupsiyon. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended