Pro-Chacha asang papaboran ng SC
September 27, 2006 | 12:00am
Nagpahayag ng pag-asa ang ilang kongresista na papabor sa Chacha ang mga mahistrado at pagbibigyan ang petisyong humihiling na isagawa sa pamamagitan ng peoples initiative ang pagbabago ng porma ng gobyerno.
Tiwala si House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles na bibigyang importansiya ng Supreme Court ang kapangyarihan ng taumbayan na magpanukala nang pagbabago sa sistema ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Cerilles na bagamat nasa kamay ng mga mahistrado ang huling pagpapasya hinggil sa legalidad ng peoples initiative, sigurado naman aniyang mahusay na maipagtatanggol ng mga nagsusulong sa pagbabago ang kanilang argumento.
Dapat aniyang mahikayat ng mga nagsusulong sa peoples initiative ang mga mahistrado upang muling pag-aralan ang naunang desisyon na nagbabasura sa inisyatiba ng taumbayan.
Tiwala naman ang militanteng grupong Gabriela na ibabasura ng Korte ang petisyon tulad ng mga nauna na nitong ginawang pagdeklara bilang unconstitutional sa ilang mapanupil na polisiya ng gobyernong Arroyo.
Ayon kay Emmi de Jesus, pangkalahatang kalihim ng grupo, ang peoples initiative ay isang misnomer o isang paggamit ng maling pangalan na hindi tunay na kumakatawan sa tinig ng nakararaming mamamayang Pilipino.
Naniniwala ang grupo na ang mga taong nasa likod ng mga grupong ULAP at Sigaw ng Bayan ay mga kasapakat lamang ni Pangulong Arroyo at katulad rin niya ang mga pag-iisip at kapareho umanong sinungaling.
Sinabi pa ni de Jesus na hindi magbibigay ng ginhawa sa mamamayan mula sa kalunus-lunos na kalagayan ang Cha-cha at sa halip ay palalalain lamang umano nito ang kahirapang dinaranas ng nakararami. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended