^

Bansa

People’s Initiative kinuwestiyon ng SC

-
Sinabon nang husto ng Supreme Court (SC) si Solicitor General Eduardo Nachura kaugnay sa umano’y "kaduda-dudang" proseso sa pagsusulong ng People’s Initiative.

Sa ginanap na oral argument sa SC, tahasang sinabi ni Associate Justice Angelina Sandoval-Gutierrez na mistulang maanomalya at kuwestiyunable ang ginawang proseso ng grupong Sigaw ng Bayan sa pag-uusad ng PI.

Ayon sa mahistrado, hindi umano naging malinaw sa mga mamamayan, partikular na sa mga taga-lalawigan ang form na ipinakalat at pinapirmahan ng Sigaw ng Bayan dahil ang ginamit na salita rito ay English.

Aniya, maging ang kanyang anim na kaanak mula sa Batangas ay nabiktima umano ng pagpapapirma na hindi umano malinaw ang nakasaad sa naturang form. Binigyang-diin pa rin ni Gutierrez na ang dapat baguhin ay ang mga mamamayan at hindi ang batas.

Ipinaliwanag pa rin ng mahistrado na hindi umano magiging garantiya na lubusan nang mahihinto ang mga kudeta sa bansa kung magiging parliamentary ang uri ng gobyerno, gaya ng nangyari sa Thailand.

Tahasang inamin din ni Gutierrez na hindi umano siya kumbinsido sa inihahaing argumento ni Nachura kahit pa ang nirerepresenta nito ay ang tinig ng mamamayan.

Hindi rin naniniwala ang mahistrado na dapat ipagkatiwala ang kapalaran ng bansa sa mga mamamayan gayong hindi man lamang umano nasisiguro kung naiintindihan nila ito.

Gayunman, iginiit pa rin ni Nachura na dapat muling pag-aralan ng SC ang nauna nitong desisyon sa Santiago vs Comelec dahil sa tablang boto na ipinalabas nito.

Hindi anya dapat na sikilin ang karapatan ng mga mamamayan na makapili o magnais ng ibang uri ng gobyerno, gaya ng isinusulong ng mahigit na 6 milyong botante.

Matapos magisa si Nachura ay naghain din ng kanilang argumento ang iba pang pro-chacha groups.

Sasalang din sa oral argument ang mga anti-Chacha na kinabibilangan ng PMAP ni dating Pangulong Estrada, Alternative Law Groups (ALG), Akbayan, Integrated Bar of the Philippines (IBP), One Voice, Senado sa pangunguna ni Sen. Joker Arroyo, Counsel for Defense and Liberties (CODAL) kasama nito ang KMU, Bayan Muna at iba pang militanteng grupo.

Inaasahan naman na aabutin ngayong umaga ang oral argument dahil na rin sa dami ng intervenor dito. (Grace Dela Cruz)

ALTERNATIVE LAW GROUPS

ASSOCIATE JUSTICE ANGELINA SANDOVAL-GUTIERREZ

BAYAN

BAYAN MUNA

DEFENSE AND LIBERTIES

GRACE DELA CRUZ

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOKER ARROYO

NACHURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with