Opinyon ng ex-SC justice hingi sa ‘initiative’

Iginiit ng isang labor organization sa Korte Suprema na dapat umanong ang pagbasehan ng pagresolba sa petition ng Sigaw ng Bayan ay ang opinion ng isang dating Mahistrado nito na nagdedeklara na sapat ang Republic Act 6735 para maisulong ang peoples initiative.

Sinabi ng grupong Philippine Transport and General Workers Organization (PTGWO) sa pamamagitan ng pangulo nito na si Victorino F. Balais, ang separate opinion na lamang ni dating SC Associate Justice Ricardo Francisco ang pagbatayan kung saan naniniwala itong sapat na ang nasabing batas upang maamyendahan ang Constitution at maipatupad ang People’s Initiative.

Una ng naghain ng petition for intervention ang PTGWO sa SC kung saan sinusuportahan ng mga ito ang pagsusulong ng peoples initiative. (Grace dela Cruz)

Show comments