Pagkaubos ng pondo ng OWWA sisilipin
September 21, 2006 | 12:00am
Pinaiimbestigahan ng mga party list solons ang pagkaubos umano ng pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sinabi nina Bayan Muna Reps. Joel Virador at Satur Ocampo na batay sa report mula sa Migrante International at ibat ibang non-governmental groups ay nailipat o na-divert ang pondo na wala namang kinalaman sa OFWs.
Inihalimbawa ni Virador ang illegal na paglilipat umano ng P350 milyong OFW health care funds sa Philhealth, unliquidated $293,500 fund release kay Ambassador Roy Cimatu para sa evacuation ng mga OFWs mula sa Iraq at P500M investment na ginawa ng OWWA sa Smokey Mountain Development and Reclamation Project noong 1995.
Niliwanag ni Virador na ang imbestigasyon ay upang magkaroon ng transparency at accountability sa administrasyon ng OFW funds.
Tungkulin anya ng gobyerno na protektahan ang naturang pondo laban sa walang habas na disbursement ng ehekutibo na nakakaapekto sa pangangailangan naman ng mga OFWs. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended