Tigil-strike, apela ng DOLE
September 21, 2006 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado na iwasan ang anumang pag-aaklas laban sa kanilang mga employer upang hindi maapektuhan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansa.
Ayon kay Acting Labor employment Secretary Danilo Cruz, isa sa naitalang malaking pag-aaklas ay noong Hunyo kung saan naging negatibo ito sa mga nais na mag-invest sa bansa at makadaragdag sana ng trabaho para sa nakararami.
Sa unang walong buwan ng taong kasalukuyan ay naging sunud-sunod ang mga rally laban sa naturang kagawaran sa kabila ng puspusan nilang kampanya upang labanan ang paglobo ng unemployment.
Idinepensa rin ng ahensiya na bumaba ng 57% ang kabuuang bilang ng mga nagdaraos ng rally ngayon kumpara noong isang taon.
Kung magpapatuloy na magiging peaceful ang bawat pag-aaklas ng manggagawa hindi na magdadalawang-isip pa ang mga investors buhat sa ibang bansa na mamuhunan. (Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended