Beltran kinasuhan ang DOJ, PNP
September 19, 2006 | 12:00am
Kinasuhan ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran ang 18 opisyal ng Department of Justice (DOJ), pulisya at Quezon City court sa tanggapan ng Ombudsman.
Sa 22-pahinang reklamo ni Rep. Beltran, kasong arbitrary detention at paglabag sa parliamentary immunity ang isinampa nito laban kina dating PNP chief Arturo Lomibao at DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zunio.
Kinasuhan din nito si QC Prosecutor Claro Arellano at iba pang opisyal ng QC Prosecutors Offfice at ilang kagawad pa ng PNP.
Kinuwestyon ni Beltran na inabot ng 52 oras bago siya kinasuhan sa korte gayung alinsunod sa batas ay dapat makasuhan ang isang akusado sa loob ng 18 oras.
Magsasampa din ng certiorari si Beltran sa Korte Suprema dahil sa paglabag sa kanyang parliamentary immunity at arbitrary detention ng mga PNP officials na umaresto sa kanya. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest