Prosecutors kay Nicole di papalitan ng DOJ
September 16, 2006 | 12:00am
Hindi papalitan ng Department of Justice (DOJ) ang piskal na humahawak sa kaso ng Subic rape victim na si Nicole .
Ayon kay Justice Sec, Raul Gonzalez, hindi umano dapat na diktahan ng sinuman ang panig ng prosecution sa gagawin nito sa kaso na kinakaharap ni Nicole sa Makati Regional Trial Court.
Sa isang sulat ni Nicole sa DOJ, sinabi nito na hindi siya kuntento kina Prosecutors Emily Fe delos Santos, Lagrimas Agaran, Elizabeth Verdal at Nolibien Quimbao sa paghawak ng mga ito sa kanyang kaso kaya nais niyang papalitan ang mga ito.
Nilinaw ni Gonzalez na bagamat hindi ito tutol na palitan ang nasabing mga prosecutors ay dapat umanong makapagbigay ng mabigat na dahilan ang panig ni Nicole.
Hindi umano dapat na basta na lamang magpalit ng prosecutors dahil lamang sa pag-aakala na "incompetent" ang mga ito. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest