Grupo ng mga bakla, tomboy hihirit ng puwesto sa Kongreso

Pormal na naghain kahapon sa Comelec ng petition for accreditation upang magkaroon ng puwesto sa Kongreso ang grupo ng mga lesbiyana at bakla upang makapasok sa halalan para sa partylist sa darating na 2007 elections.

Ayon kay Danton Remoto, chairman ng grupong Ladlad at associate professor sa Ateneo de Manila University, pangunahing layunin ng kanilang pagpasok sa partylist race ay upang alisin ang diskriminasyon ng lipunan sa mga bakla at sa mga lesbian.

Tiwala naman si Remoto na magtatagumpay sila dahil marami na umano ang lumagda bilang mga lehitimong miyembro ng Ladlad. Nakapagtayo na rin umano sila sa mga regional offices at chapters upang patuloy na makakalap ng mga miyembro. Inaasahan din ng grupo na igagalang ng Comelec ang kanilang paghahain ng kandidatura. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments