^

Bansa

Kasong kriminal vs Sunshine Maritime, Petron inirekomenda

-
Inirekomenda kahapon ng Special Board of Marine Inquiry (SBMI) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at sibil laban sa Petron Corp. at Sunshine Maritime Development Corp. base sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa naganap na oil spil sa karagatan ng Guimaras.

Nahaharap din sa posibilidad na kaso ang kapitan ng Solar 1 na si Capt. Norberto Aguro, Maritime Industry Authority (Marina) at Philippine Coast Guard (PCG).

Nakasaad na kulang sa pagsasanay si Aguro na maglayag ng oil tanker dahil iba ang kanyang lisensiya. Nagkaroon din umano ito ng "error of judgement" nang pilitin na ilayag pa rin ang barko sa kabila na may tagas na ito at masama ang panahon.

May pagkakasala naman ang Sunshine dahil sa pagbalewala sa mga regulasyon at polisiya para matiyak na "sea worthy" ang Solar 1 bago ito ilayag, habang ang Petron ay dahil sa pag-ooverloading ng kargang langis na dahilan ng hindi maayos na paglalayag ng tanker. (Danilo Garcia)

AGURO

CAPT

DANILO GARCIA

GUIMARAS

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

NORBERTO AGURO

PETRON CORP

PHILIPPINE COAST GUARD

SPECIAL BOARD OF MARINE INQUIRY

SUNSHINE MARITIME DEVELOPMENT CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with