AFP walang ebidensiyang patay na si Janjalani at Patek
September 15, 2006 | 12:00am
Wala pang matibay na ebidensiyang mapanghahawakan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatunay na napatay nga sa opensiba ng militar sa lalawigan ng Sulu sina Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani at ang Jemaah Isamiyah terrorist na si Umar Patek.
Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. na hanggat hindi narerekober ng tropa ng militar ang bangkay nina Janjalani at Patek ay iisipin nilang buhay pa ang mga ito.
Si Patek ay may patong sa ulong $1M at isa sa hinihinalang mastermind sa Bali bombing sa Indonesia noong Oktubre 2002 na pumatay ng mahigit 200 katao.
Si Janjalani ay maraming beses ng napaulat na napatay sa crackdown operation ng militar kung saan ang panghuli ay noong 2004 sa Central Mindanao pero napatunayang nakatakas at nakalipat ng taguan sa bahagi ng Sulu. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended