Sa pahayag ng Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan, na kabilang din sa grupong Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), kuwestiyunable umano ang pag-aresto kay Sabio dahil dapat lamang na sundin ng Senado na ang probisyon ng PCGG charter na hindi dumalo ng imbestigasyon.
Sinabi naman ni Atty. Jose "Nonong" Ricafrente, spokesperson ng PDSP na Korte Suprema na ang magdedesisyon kung ang Executive Order No. 1 na inisyu ni dating Presidente Corazon Aquino na ang PCGG ay taliwas sa isinasaad sa 1987 Constitution na nagbibigay sa Kongreso ng kapangyarihan na magsagawa ng imbestigasyon.
Aniya, dapat sana ay nagpadala na ang komite ng set of rules na isinabay sa pagpapadala sa kanya ng imbitasyon upang magkaroon na siya ng ideya kung paano tatakbo ang imbestigasyon. (Rudy Andal)