^

Bansa

Demokratikong grupo, suportado si Sabio

-
Mariing kinondena kahapon ng isang demokratikong grupo ang umano’y iligal na pag-aresto ng Senado kay PCGG chairman Camilo Sabio.

Sa pahayag ng Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan, na kabilang din sa grupong Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), kuwestiyunable umano ang pag-aresto kay Sabio dahil dapat lamang na sundin ng Senado na ang probisyon ng PCGG charter na hindi dumalo ng imbestigasyon.

Sinabi naman ni Atty. Jose "Nonong" Ricafrente, spokesperson ng PDSP na Korte Suprema na ang magdedesisyon kung ang Executive Order No. 1 na inisyu ni dating Presidente Corazon Aquino na ang PCGG ay taliwas sa  isinasaad sa 1987 Constitution na nagbibigay sa Kongreso ng kapangyarihan na magsagawa ng imbestigasyon.

Aniya, dapat sana ay nagpadala na ang komite ng set of rules na isinabay sa pagpapadala sa kanya ng imbitasyon upang magkaroon na siya ng ideya kung paano tatakbo ang imbestigasyon. (Rudy Andal)

ANIYA

CAMILO SABIO

EXECUTIVE ORDER NO

KONGRESO

KORTE SUPREMA

PAMBANSANG KOALISYON

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

PRESIDENTE CORAZON AQUINO

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with