Trabaho alok ng Career Caravan
September 14, 2006 | 12:00am
Inilunsad kahapon ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Secretary Augusto Boboy Syjuco ang "Career Caravan" na tinatayang magbibigay ng panibagong oportunidad sa mga kabataang nag-aaral at gustong makapag-aral.
Ani Syjuco, ang "Career Caravan" ang magbibigay-diin sa magandang layunin ng "Ladderized Education Program" na isinusulong ng administrasyong Arroyo na inaasahang magiging tulay patungo sa mas magandang sistema na edukasyon at ekonomiya ng bansa. Unang destinasyon ng Career Caravan ay ginanap kahapon sa pinamumunuan ng Iglesia ni Cristo na New Era University sa Quezon City, kung saan ipinaliwanag ng mga eksperto mula sa TESDA ang kagandahan ng ladderized education system. Sinabi pa ng hepe ng TESDA na sa ilalim ng Caravan, ang trabaho na ang naghahanap ng tao, at hindi ang tao ang naghahanap ng trabaho.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest