Sa reklamo ng Deli Crunch Biscuit Corp., hindi umano ibinigay ang kanilang "insurance claims" ng Paramount Life and General Insurance Corp. na ayon kay Atty. Raymond Anthony Dilag, abogado ng Deli Crunch, ay isa umanong malinaw na paglabag sa "unfair claim settlement practices" na nasasaad sa Insurance Code.
Ipinaliwanag naman ng Paramount na posibleng mayroon umanong "fraud" at "arson" sa panig ng Deli Crunch kaya hindi maaaring ipagkaloob sa kanila ang kanilang insurance claims.
Noong Abril 2004, nasunog ang naka-insured na biscuit factory at naging dahilan upang mapinsala ang kanilang mga kagamitan, makina, stocks, raw materials at mga tapos na nilang produkto. (Mer Layson)