Ex-chief of staff patay sa liver cancer
September 14, 2006 | 12:00am
Binawian ng buhay si dating AFP Chief of Staff ret. Gen. Joselin Nazareno bunga ng komplikasyon sa sakit nitong liver cancer kahapon ng madaling araw sa Makati Medical Center. Nabatid sa anak nitong si Joner, isat kalahating araw nang comatose ang heneral bago ito tuluyang bumigay. Naulila ni Nazareno, 63, ang kanyang tatlong anak. Una nang namatay ang asawa ni Nazareno na si Minerva sa sakit na breast cancer may 3 taon na ang nakakaraan.
Na-diagnose si Nazareno na may sakit sa baga noong 2001 matapos itong sumailalim sa radiation therapy. Noong 2005 ay natuklasan na may liver cancer ito at sumailalim sa chemotherapy. Si Nazareno ay nagsilbing chief of staff kay dating Pangulong Estrada noong 1998-1999. Bago nagretiro ay natalaga ito bilang Ambassador sa Pakistan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended