Sa halip i-hostage ang bangkay, promissory note na lang Lim
September 13, 2006 | 12:00am
Nais ni Sen. Alfredo Lim na bigyan ng penalty ang mga ospital at punerarya na hindi nagpapalabas ng mga bangkay dahil sa kakulangan ng pera ng mga kapamilya nito.
Sa kanyang Senate Bill 2454, sinabi ni Sen. Lim na sakaling kapos sa pera ang kamag-anak ng mga namatayan puwedeng igalang na lang ng punerarya ang isang kasunduan sa pagitan nila at ng kamag-anak para makalabas ang bangkay sa pamamagitan ng isang promissory note.
Aniya, mas legal ang ganito dahil sakaling hindi makabayad ang pamilya ay puwedeng buweltahan ng ospital at punerarya sa halip na manatiling "hostage" ang bangkay habang patuloy na tumataas naman ang babayaran nila rito.
Saklaw din ng panukala ni Lim ang pagbabawal sa ospital, punerarya, lyin-in centers na manatili sa kanilang poder ang bangkay hanggat hindi ito nakakapagbayad ng gastos kabilang na ang professional fees at iba pang bayarin.
Ipinagbabawal din sa mga punerarya, morgue at iba pang kauring establisimiyento ang pansamantalang paghostage sa mga bangkay sakaling hindi pa nakakapagbayad ng buo ang mga kamag-anak nito.
Ayon kay Lim, hindi dapat maging hadlang ang kahirapan para maging "hostage" ang mga bangkay. Dapat anyang mapanatili ang dignidad ng patay at ayudahan ng gobyerno ang mga kapus-palad. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended