Chief accountant ng AFP bagsak sa lifestyle check
September 13, 2006 | 12:00am
Sinuspinde ng anim na buwan ng Ombudsman ang chief accountant ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos bumagsak sa lifestyle check.
Si Generoso Reyes del Castillo ay isinailalim sa preventive suspension dahil sa kasong dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.
Base sa rekord, si del Castillo ay nagsimulang magserbisyo sa pamahalaan noong Agosto 1, 1971 bilang accounting clerk hanggang sa maging chief accountant ng AFP noong Dis. 29, 1994 na may buwanang sahod na P22,423.
Gayunman, lumabas sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), mula 1994-2004 ang kabuuang kita ng mag-asawang Generoso at Grace Victoria del Castillo sa loob ng 10 taon ay nagkakahalaga ng P10.2 milyon at ang kabuuang gastos ng pamilya nito sa naturang period ay umaabot sa P4.4 milyon.
Nagkaroon din ito ng real at personal properties na may halagang P14.4M.
Bukod dito, nalaman din ng Ombudsman na si del Castilo ay nagmamay-ari ng limang mamahaling sasakyan tulad ng Toyota Revo (P879,000), Mitsubishi Lancer (P818,000), Mitsubishi Pajero (P2.75M), Lincoln Navigator (P4M) at Honda 4-door sedan.
Nadiskubre rin na ang Golden Ark Holdings Inc., isa sa kumpanyang idineklara ni del Castillo sa kanyang 2004 SALN ay nakabili ng isang P1.18M Mercedez Benz noong 1999 kahit ito ay nagdeklara ng capital na P500,000 noong 1997. Lumabas din sa rekord ng Bureau of Immigration na mula 1993-2004, ang respondent at miyembro ng pamilya nito ay nagtungo sa US, Europe at iba pang bansa sa Asya at gumastos dito ng P2.7M. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am