^

Bansa

PCGG chief kulong!

-
Inaresto kahapon si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio dahil sa paulit-ulit na hindi pagdalo sa mga pagdinig ng Senado.

Dinakip sa bisa ng warrant of arrest ng ipinalabas ng Senado dahil sa kasong contempt si Sabio sa tanggapan nito sa Mandaluyong City. Mismong si Senate Sergeant-At-Arms B/Gen. Jose Balajadia (ret.) ang naghain ng warrant na pirmado ni Senate President Manny Villar.

Kusang sumama naman si Sabio at idineretso muna sa Senate clinic matapos tumaas ang blood pressure at dahil sa sakit na hika bago pansamantalang ikinulong sa Senado.

Nakatakda ring arestuhin sina PCGG Commissioners Ricardo Abcede, Nicasio Conti at Narciso Nario. Wala sa opisina ang apat at nakatakdang isilbi ang warrant ng mga ito sa kani-kanilang mga bahay.

Hindi rin naabutan para isilbi ang warrant of arrest laban sa mga opisyal ng Philcomsat Holdings Corp. na sina chairman Benito Araneta, vice pres. at director Philipp Brodet, Manuel Andal, Julio Jalandoni at Atty. Luis Lokin Jr.

Ang pag-aresto ay bunsod ng pagboykot ng mga opisyal sa pagdinig ng Senate committee on government corporations and public enterprise na nag-iimbestiga hinggil sa Philcomsat issue partikular ang pag-divert ng pondo at maluhong party pati ang pagbili umano ng Jaguar luxury car ni Abcede.

Agad namang naghain ng petition para sa habeas corpus sa Supreme Court (SC) ang legal counsel ni Sabio na si Atty. Jay Miguel sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa pag-aresto at detensiyon ng PCGG chief sa Senado. (Rudy Andal at Edwin Balasa, may ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BENITO ARANETA

CHAIRMAN CAMILO SABIO

COMMISSIONERS RICARDO ABCEDE

EDWIN BALASA

GOOD GOVERNMENT

JAY MIGUEL

JOSE BALAJADIA

JULIO JALANDONI

SABIO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with