Pambayad sa PIATCO di magmumula sa gobyerno-Palasyo
September 12, 2006 | 12:00am
Tiniyak kahapon ng Palasyo na hindi magmumula sa gobyerno ang P3 bilyong ibabayad sa Philippine International Air Terminal Co. (PIATCO).
Ayon kay Budget Secretary Rolando Andaya, ang P3 bilyon ay manggagaling sa corporate budget ng Manila International Airport Authority (MIAA) at hindi galing sa kaban ng gobyerno.
Sinabi ni Sec. Andaya, kung magkukulang ang pondo ng MIAA ay puwede itong umutang sa Development Bank of the Philippines (DBP) o Land Bank of the Philippines (LBP) matapos maalis ang temporary restraining order sa pagbabayad ng MIAA sa PIATCO upang ma-take over ang operasyon ng NAIA Terminal 3.
Nilinaw naman ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na ang pagbabayad ng P3 bilyon sa PIATCO ay pagsunod lamang ng gobyerno sa naging desisyon ng korte.
Nagtataka si Sen. Joker Arroyo kung saan magmumula ang pondong ibabayad sa PIATCO dahil hindi naman ito nakapaloob sa inihaing supplemental budget ng Malacanang. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest