Student leaders pabor sa poll automation
September 12, 2006 | 12:00am
Sinimulan kahapon ng mga student organizations mula sa ibat-ibang unibersidad sa bansa ang kanilang forum na humihiling na dapat ng ipatupad ang poll automation sa darating na election.
Naging resource speakers sina Comelec Comm. Resurrecion Borra; Commissioners Hanny Camid at Benjie Oliva ng National Youth Commission (NYC) for Mindanao and Visayas at Mindanao State University (MSU) Student Council President Fahad Calie at iba pang panauhin sa nasabing forum.
Ayon kay Gladdie Mallari, na siyang organizer at chairman ng student council ng Philippine School of Business Administration (PSBA), ang kanilang forum ay isinagawa sa Audio Visual room ng PSBA ganap na alas 10:00 ng umaga kahapon.
Dumalo rin sa forum ang may 300 student leaders mula sa University of the Philippines (UP), San Beda College, Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Miriam College at iba pa na kabilang sa Association of the Student Council of the Philippines (ASCOP).
Nagkakaisang isinusulong ng mga lider ng mag-aaral ang kahalagahan ng computerized election na dapat na ipatupad sa 2007 election.
Ikinatuwa naman ni Comm. Borra ang direkta ng pakikialam ng mga estudyante hinggil sa nasabing isyu at nagsabing haharapin nila sa COMELEC ang challenges para ma-implement ito at magkaroon ng electoral reform sa bansa sa pamamagitan ng automated counting machine. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Ludy Bermudo | 22 hours ago
Recommended