Iritado si Gordon, chairman ng naturang komite kayat dineklara na nitong "in contempt" ng Senado sina PCGG Chairman Camilo Sabio at mga kumisyuner nitong sina Ricardo Abcede, Nicasio Conti at Narciso Nario.
Pinaliwanag ni Gordon na papipirmahin niya sa mga committee report ang lahat ng Senador na kasapi sa kanyang komite at ito ang magiging kaakibat naman para sa arrest order ng Senado na kailangang lagdaan ni Senate President Manuel Villar Jr.
"This is not the first time they showed arrogance", ayon kay Gordon kasabay ng pahayag niyang ginawa ng Senado ang lahat para imbitahan ang mga taga-PCGG bago nila iutos ang pagdakip nito.
"I have nothing personal against the PCGG officials but they caused the pain themselves. Order must be preserved, separation of powers must be obeyed. If we will not have order, let the republic go to hell", pahayag naman ni Enrile. (Rudy Andal)