^

Bansa

PCGG officials ipinapaaresto

-
Ipinapaaresto na nina Sens. Juan Ponce Enrile at Richard Gordon ang mga opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) matapos na hindi na naman ito dumalo sa ikatlong pagkakataon sa pagdinig ng senate committee on government corporations.

Iritado si Gordon, chairman ng naturang komite kaya’t dineklara na nitong "in contempt" ng Senado sina PCGG Chairman Camilo Sabio at mga kumisyuner nitong sina Ricardo Abcede, Nicasio Conti at Narciso Nario.

Pinaliwanag ni Gordon na papipirmahin niya sa mga committee report ang lahat ng Senador na kasapi sa kanyang komite at ito ang magiging kaakibat naman para sa arrest order ng Senado na kailangang lagdaan ni Senate President Manuel Villar Jr.

"This is not the first time they showed arrogance", ayon kay Gordon kasabay ng pahayag niyang ginawa ng Senado ang lahat para imbitahan ang mga taga-PCGG bago nila iutos ang pagdakip nito.

"I have nothing personal against the PCGG officials but they caused the pain themselves. Order must be preserved, separation of powers must be obeyed. If we will not have order, let the republic go to hell", pahayag naman ni Enrile. (Rudy Andal)

vuukle comment

CHAIRMAN CAMILO SABIO

GOOD GOVERNMENT

GORDON

JUAN PONCE ENRILE

NARCISO NARIO

NICASIO CONTI

PRESIDENTIAL COMMISSION

RICARDO ABCEDE

RICHARD GORDON

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with