Ayon kay Aksiyon Sambayanan (AkSa) secretary general Beth Angsioco, sa ginawang survey noong June 24-July 28, 90 porsiyento ang tsansang manalo ni Bayan Muna partylist Rep. Satur Ocampo ngunit 7.1% lamang ang tsansa nito na makuha ang senatorial seat. Si Ocampo, kasama sina CPP chair Jose Ma. Sison at National Democratic Front adviser on peace process Luis Jalandoni ay inakusahan ng militar na siyang nagpapatay ng daan-daang katao noong 1980s sa lalawigan ng Leyte.
Lumilitaw din sa survey na may resulta na ang ginawang pagsiwalat ng gobyerno sa mga kalupitan ng CPP-NPA kung saan ay lumalabas din na may partisipasyon ang party-list groups sa mga rebeldeng komunistang tulad ng CPP-NPA-NDF. (Joy Cantos)