^

Bansa

CPP supporters tagilid sa 2007 elections

-
Siguradong tagilid na sa 2007 elections ang mga pulitikong sumusuporta sa mga rebeldeng Communist Party of the Philippines (CPP). Ito’y base sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia kung saan ay magiging sukatan pa rin ng mga botante sa 2007 elections ang mga personalidad na malaki ang tsansang manalo.

Ayon kay Aksiyon Sambayanan (AkSa) secretary general Beth Angsioco, sa ginawang survey noong June 24-July 28, 90 porsiyento ang tsansang manalo ni Bayan Muna partylist Rep. Satur Ocampo ngunit 7.1% lamang ang tsansa nito na makuha ang senatorial seat. Si Ocampo, kasama sina CPP chair Jose Ma. Sison at National Democratic Front adviser on peace process Luis Jalandoni ay inakusahan ng militar na siyang nagpapatay ng daan-daang katao noong 1980s sa lalawigan ng Leyte.

Lumilitaw din sa survey na may resulta na ang ginawang pagsiwalat ng gobyerno sa mga kalupitan ng CPP-NPA kung saan ay lumalabas din na may partisipasyon ang party-list groups sa mga rebeldeng komunistang tulad ng CPP-NPA-NDF. (Joy Cantos)

vuukle comment

AKSIYON SAMBAYANAN

BAYAN MUNA

BETH ANGSIOCO

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

JOSE MA

JOY CANTOS

LUIS JALANDONI

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

PULSE ASIA

SATUR OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with