Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan ng kampanyang ito na may temang "Iwas Kiti-kiti, Iwas Dengue," matuturuan at matutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga residente upang tuluyang maiiwas ang mga ito sa nasabing sakit. Isa ang Caloocan sa mga lungsod sa Metro Manila na may mataas na kaso ng dengue.
Aniya, isang paraan upang mawala ang sakit na dengue sa bawat barangay ng lungsod ay sa pamamagitan ng paglilinis ng buong kapaligiran upang walang mapag-itlugan ang mga lamok.
"Hindi magiging makatuparan ang proyekto nating ito kung hindi makikipagtulungan ang ating mga kababayan, sa pamamagitan ng kanilang paglilinis sa kanilang mga bakuran, nasisiguro nating mawawala ang dengue at iba pang sakit na maaari nating makuha sa mga lamok," saad pa ni Echiverri.