^

Bansa

Residente tuturuan vs dengue

-
Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Arroyo at ng Department of Health (DOH) na kumilos at gimawa ng hakbang para masugpo ang dengue, nakatakdang magsagawa ng City-wide Clean-Up Drive si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri upang mabigyan ng kaalaman ang mga residente kung paano makakaiwas sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan ng kampanyang ito na may temang "Iwas Kiti-kiti, Iwas Dengue," matuturuan at matutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga residente upang tuluyang maiiwas ang mga ito sa nasabing sakit. Isa ang Caloocan sa mga lungsod sa Metro Manila na may mataas na kaso ng dengue.

Aniya, isang paraan upang mawala ang sakit na dengue sa bawat barangay ng lungsod ay sa pamamagitan ng paglilinis ng buong kapaligiran upang walang mapag-itlugan ang mga lamok.

"Hindi magiging makatuparan ang proyekto nating ito kung hindi makikipagtulungan ang ating mga kababayan, sa pamamagitan ng kanilang paglilinis sa kanilang mga bakuran, nasisiguro nating mawawala ang dengue at iba pang sakit na maaari nating makuha sa mga lamok," saad pa ni Echiverri.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DEPARTMENT OF HEALTH

ECHIVERRI

IWAS DENGUE

IWAS KITI

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with