Ayon kay Syjuco, ang Ladderized Education ay bago sa larangan ng edukasyon sa bansa na nagiging daan upang ang mga estudyante ay umunlad sa pagitan ng Technical-Vocational (Tech-Voc) education and training and College.
Idinagdag pa nito na ang programa ay malaking tulong sa mga mahihirap na hindi kayang tustusan ang kanilang pag-aaral, at ito ay sa pamamagitan ng "scholarship programs."
Ipinaliwanag pa nito na ang TESDA ay mayroong 121 Technology Institutions sa buong bansa na nagbibigay ng "trade-based training courses."
"Ang mga kursong nabanggit ay maaring makamit na libre, o sa napakaliit na halaga lamang, sa mga paaralang pag-aari ng pamahalaan," dinagdag pa ng hepe ng TESDA.
At sa mga estudyanteng gustong makapag-aral sa mga pribadong paaralan, ang TESDA ay nagkakaloob din ng "scholarship and student assistance" sa pamamagitan ng Private Education Student Financial Assistance (PESFA) at Technical Education and Skills Development Project-Asian Development Bank (TESDP-ADB) programs.
"Ang mga mahihirap na estudyanteng hindi kayang tustusan ang kanilang pag-aaral ay maari ding makamit ang mga nabanggit na tulong-pinansiyal at nakabukas ito sa mga nagtapos ng high school na makakapasa sa ilang alituntunin upang mapagkalooban ng nasabing tulong," dagdag pa ni Syjuco.