Sison et al, mananagot sa sambayanan Gonzales
September 8, 2006 | 12:00am
Buo ang paniniwala ni National Security Adviser Norberto Gonzales na sina Communist Party founder Jose Ma. Sison, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at National Democratic Front peace adviser Luis Jalandoni ang nasa likod ng mga pagpatay ng may daan-daang katao noong 80s.
Ayon kay Gonzales, lider ng Partido Demokratiko Sosyalita ng Pilipinas (PDSP), bagamat mahigpit itong itinatanggi ng tatlong communist leaders, hindi anya puwedeng lumusot ang alibi ng tatlo dahil sina Sison at Ocampo ay nanatiling high-ranking members ng CPP Central Committee mula nang sila ay pawalan noong 1986 habang si Jalandoni ay patuloy pa rin ang komunikasyon sa mga local na komunista kahit ito na-exile sa Netherlands noong 1970s. Anya, korte at ang sambayanang Pilipino na ang magdedesisyon kung ano ang pananagutan ng tatlo sa nadiskubreng mass graves sa Leyte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest