^

Bansa

2 DOTC officials nanuhol ng P2M

-
Nanawagan kahapon ang Department of Transportation and Communications Employees Association sa Office of the Ombudsman na huwag i-whitewash ang kaso laban sa 2 opisyal ng DOTC na dawit umano sa kaso ng katiwalian. Sa nakuhang impormasyon ng mga kawani, sinuhulan umano nina DOTC Head Executive Assistant Romeo German at Assistant Secretary Emmanuel Noel Cruz ang ilang Ombudsman investigators para maibasura ang kaso laban sa mga ito na may kaugnayan sa pagpapalabas ng mga pekeng dokumento para makakuha ng US visa ang isang Waneza Dy na hindi naman taga-DOTC.

Sinabi pa ng mga kawani na pinahinto umano ng Ombudsman ang imbestigasyon sa kaso pati na ang pag-turnover ng mga dokumento, mga ebidensiya at affidavits ng DOTC employees na nag-testify laban sa dalawa. Nabatid din mula sa National Bureau of Investigation na ang pagkuha bilang material witness kay Dy laban kay Cruz at German ay pinahinto din ng Ombudsman. Maging ang mga original copies ng pekeng Travel Authority ni German at Dy at ang orihinal na pekeng Employment Certificate ni Dy na pinirmahan ni Asec. Cruz ay kinumpiska din ng Ombudsman mula sa Immigration nang walang pinipirmahang resibo.

ASSISTANT SECRETARY EMMANUEL NOEL CRUZ

CRUZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS EMPLOYEES ASSOCIATION

EMPLOYMENT CERTIFICATE

HEAD EXECUTIVE ASSISTANT ROMEO GERMAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

TRAVEL AUTHORITY

WANEZA DY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with