Ayon kay Gladdie Mallari, chairman ng Student Council ng Philippine School for Business Administration (PSBA), hanggang ngayon ay wala umanong konkretong hakbang na ginagawa ang gobyerno upang maging moderno na ang election sa bansa.
"Sinasabi ng mga matatanda na kaming mga kabataan ang pag-asa ng bayan subalit wala namang ginagawang hakbang ang ating mga opisyal para maayos na ang paraan ng pagpili ng mamumuno sa ating bayan dahil pagkatapos ng election ay hindi nawawala ang akusasyon ng dayaan", ani Mallari.
Sa halip anya na bumili ang gobyerno ng panibagong counting machine ay gamitin na lamang ang dati nang inangkat ng pamahalaan mula sa Mega Pacific Consortium na ilang beses na rin sinertipikahan ng Department of Science and Technology (DOST).
Sinabi ni Mallari, sino mang opisyal ng pamahalaan na tumututol na gamitin ang mga nabiling counting machines ay maituturing umanong kalaban ng taongbayan. (Mer Layson)