^

Bansa

Cayetano pinasisipa na ni FG sa Kongreso

-
Nagsampa na kahapon ng reklamo sa House Committee on Ethics si First Gentleman Jose Miguel Arroyo na humihiling na tanggalin bilang kongresista si House Deputy Minority Leader at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa isang press conference sa opisina ni House Majority Leader Prospero Nograles, sinabi ni Arroyo na expulsion ang parusang dapat igawad ng mga kongresista kay Cayetano.

Kabilang sa reklamo laban kay Cayetano ay paglabag sa Revised Penal Code, improper conduct, pagsisinungaling at pamamahiya sa institusyon ng Kongreso.

Ang reklamo laban kay Cayetano ay nag-ugat sa pagbubunyag nito na mayroon umanong daang milyong dollar accounts ang pamilya Arroyo sa Germany bank. "Basically ‘yong charges kay Cayetano is that he fabricated evidence. He gave false testimony and he put the entire House in the bad light by doing all these," ani Atty. Roy Rondain, abogado ni FG.

Ipinaliwanag naman ni Nograles na sa ilalim ng rules, maaaring ipatupad ang suspension o expulsion laban sa isang mambabatas kung kakatigan ito ng two-thirds ng 232 miyembro ng Kamara.

Sinabi naman ni Nograles na binigyan siya ng authorization ni House Speaker Jose de Venecia para tanggapin ang reklamo.

Maliban pa sa Unang Ginoo, tumayo ring complainants sina Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Negros Occ. Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo.

Una nang sinampahan ni FG ng libel charge si Cayetano sa parehong akusasyon. (Malou Escudero)

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

HOUSE COMMITTEE

HOUSE DEPUTY MINORITY LEADER

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

HOUSE SPEAKER JOSE

MALOU ESCUDERO

MIKEY ARROYO

NEGROS OCC

NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with