Hinihintay Lang Magretiro: Palparan itutumba ng NPA!
September 7, 2006 | 12:00am
Itutumba umano ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) si outgoing 7th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Jovito Palparan bilang bahagi ng paghihiganti ng komunistang grupo sa oras na magretiro na ito sa darating na Setyembre 11.
Base sa intelligence report, magiging madali na umano sa mga rebeldeng NPA ang pagtutumba kay Palparan dahil mawawalan na ito ng security escort kapag wala na sa serbisyo ng militar.
Si Palparan ang tinaguriang "Berdugo" ng militanteng grupo kung saan ang heneral ang itinuturong utak sa pagpatay sa mga sibilyan at political activists sa Central Luzon.Tumitiyempo lang umano ang NPA para ipatupad ang "revolutionary justice" laban sa kanya.
Nakasaad umano sa plano ng CPP-NPA-NDF na dudukutin para isailalim sa kangaroo court si Palparan saka "lilitisin". Tiniyak naman ng Palasyo na hindi nito pababayaan si Palparan, pero wala namang binanggit kung anong tulong ang ibibigay nito sa heneral. (Joy Cantos/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am