Ayon kay Fr. Romeo Intengan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, may 600 biktima ang inilibing na pinaniniwalaang kagagawan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP). Iginiit ni Ocampo na imposible itong maiutos nina CPP leader Jose Ma. Sison at Luis Jalandoni dahil nasa kulungan o "exile" sila ng panahong iyon, 20 taon na ang nakalilipas.
Ngunit ayon pa kay Intengan, ang mga nilikidang mga rebelde ay pinaniniwalaang mga government informants at ang mga napapatay na militante kamakalian lamang ay bahagi pa rin ng "paglilinis" sa kanilang hanay na sinasabing nagtraydor sa kilusan. Dahil dito ay hinamon ni Intengan ang human rights group na Karapatan na magpadala ng fact-finding team sa Leyte upang mag-imbestiga sa daan-daang katao na pinaslang dito.