^

Bansa

Shabu, P5thou na per gramo!

-
Umaabot na sa P600 bilyon hanggang P700 bilyon ang halaga ng industriya ng droga sa bansa dahil nasa P5,000 per gramo na umano ang shabu.

Sa pagdinig kahapon ng House committees on dangerous drugs at public order, inihayag ni Dangerous Drugs Board (DDB) Undersec. Romeo de Vera Cruz na noong taong 2000 ang drug industry ay nagkakahalaga ng P350 bilyon pero nasa P2,000 ang bawat gramo ng shabu.

Subalit naging mabilis umano ang pagtaas ng presyo nito dahil na rin sa lakas ng "demand."

Ayon pa kay de Vera, ang ratio ng lalake at babae na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay 10:1 kung saan karamihan sa mga drug adik ay mga single at nasa high school level.

Sa isinagawang survey ng DBB noong 2004, nasa 6.7 milyon ang adik sa Pilipinas. Noong 2001 ay nasa 6,946 ang mga adik na sumailalim sa rehabilitasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bumaba ito sa 5,965 noong 2002 at tumaas sa 8,189 noong 2003. Noong 2004, nasa 5,787 ang sumailalim sa rehabilitasyon at tumaas sa 5,875 noong 2005. (Malou Escudero)

AYON

BUMABA

DRUGS BOARD

MALOU ESCUDERO

NASA

NOONG

PILIPINAS

SUBALIT

UMAABOT

VERA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with