Serbisyo ng Norwegian sa oil spill, tinutulan
September 6, 2006 | 12:00am
Dahil posibleng magresulta nang karagdagang gastos sa pamahalaan, tinutulan kahapon ng ilang mambabatas ang biglaang desisyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na kunin ang serbisyo ng isang Norwegian company upang sumipsip sa natitirang bunker oil sa lumubog na MT Solar 1 sa ilalim ng karagatan ng Guimaras.
Naniniwala sina CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva at House Minority leader Francis Escudero na dodoble lamang ang magagastos ng gobyerno dahil wala pang rekomendasyong ipinalalabas ang mga ekspertong nasa likod ng Japanese survey ship Shinsei Maru na nakakita sa MT Solar 1.
Sinabi pa ni Villanueva na hindi rin malinaw kung sino ang accountable sa nangyaring oil spill dahil hanggang ngayon ay nagtuturuan pa sa nasabing problema. Dapat aniya ipaliwanag ni PCG chief Vice Admiral Arthur Gosingan kung bakit kailangan pang kunin ang serbisyo ng hindi pa nakikilang Norwegian company para sipsipin ang bunker oil.
Matatandaan na nagbabala si House senior Deputy Minority Leader at Iloilo Rep. Rolex Suplico sa posibilidad na mauwi sa katiwalian ang pondong inilaan ng gobyerno sa paglilinis ng oil spill. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest