^

Bansa

$300M makukuha ng oil spill victims

-
Aabot sa $300 milyon ang makukuhang benepisyo ng mga biktima ng oil spill sa Guimaras kung magdedemanda ang mga ito sa international organization ng mga oil companies.

Ayon kay Defense Secretary at National Disaster Coordinating Council (NDCC) Chairman Avelino Cruz Jr., kasalukuyan na nilang pinag-aaralan kung ang asunto ay ihaharap ng bawat isang indibidwal o bilang grupo sa International Oil Pollution Compensation (IOPC), ang organisasyon ng mga oil companies ng 190 bansa.

"The insurance covers main types of damages, property damages, cleanup operations, preventive measures, losses in fisheries, aquaculture and tourism including consequential losses and pure economic losses," ani Cruz.

Inihalimbawa pa ni Cruz na kung ang isang beach resort ay apektado ng oil spill ay maaaring magdemand ng lugi sa IOPC ang may-ari nito sa kabuuang kita ng kanyang negosyo sa panahon ng pananalasa ng kalamidad.

Nabatid pa na ang palugit para makapagsumite ng claims ay 6 taon simula ng maganap ang oil spill. (Joy Cantos)

AABOT

AYON

CHAIRMAN AVELINO CRUZ JR.

CRUZ

DEFENSE SECRETARY

GUIMARAS

INIHALIMBAWA

INTERNATIONAL OIL POLLUTION COMPENSATION

JOY CANTOS

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with