Bar exams simula ngayon
September 3, 2006 | 12:00am
Tinatayang 6,344 law graduates mula sa 100 Law schools sa bansa ang sasailalim sa apat na Linggong Bar Examinations na magsisimula ngayon sa De La Salle University sa Taft Ave., Manila.
Tumatayong chairperson para sa 2006 Committee on Bar Exams si Supreme Court Justice Angelina Sandoval Gutierrez.
Tiniyak ni SC Public Information Office chief Atty. Ismael Khan na hindi matutulad sa kontrobersiyal na Nursing Licensure Exam ang 2006 Bar Exams at hindi na mauulit pa ang naganap na anomalya sa araling Mercantile Law, may 3 taon na ang nakakaraan.
Iginiit ni Khan na nagpatupad ang Mataas na Hukuman ng mga mas mahigpit na security measures sa mga itinalagang bar examiners upang masiguro na walang magaganap na leakage.
Ang nasabing bar exams ay pinaglaanan ng P12 milyon na kumakatawan sa bayad sa gagamiting pasilidad ng DLSU, sa mga personnel at staff, security, walong bar examiners at mga opisyal ng korte na may ibat ibang partisipasyon sa gaganaping pagsusulit. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest