Ayon kay Villafuerte bagaman at ibinasura ng Comelec ang petisyon para sa Peoples Initiative, nagkaroon naman ng pag-asa na matuloy ang Charter change matapos makumpleto ang kinakailangan nilang lagda ng mga mambabatas.
"Buhay na buhay ang Constituent Assembly sa Kongreso at 198 na ang nakapirma," ani Villafuerte, acting president ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi).
Higit pa aniya sa 194 o 195 na lagda na iniuutos ng Konstitusyon ang kanilang nakuha bagaman at puwede pa aniyang umurong ang dalawa sa mga kongresistang lumagda sa hindi ibinunyag na dahilan.
Sinabi naman ni House Majority Leader at Davao City Rep. Prospero Nograles na makikipag-usap na sila sa Senado upang mapag-usapan kung kailan iko-convene ang dalawang kapulungan ng Kongreso bilang Constituent Assembly. (Malou Escudero)