198 lagda nakalap na para sa Con-Ass
September 2, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na nakuha na ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 198 lagda ng mga mambabatas upang maisulong ang pag-amiyenda ng Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).
Ayon kay Villafuerte bagaman at ibinasura ng Comelec ang petisyon para sa Peoples Initiative, nagkaroon naman ng pag-asa na matuloy ang Charter change matapos makumpleto ang kinakailangan nilang lagda ng mga mambabatas.
"Buhay na buhay ang Constituent Assembly sa Kongreso at 198 na ang nakapirma," ani Villafuerte, acting president ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi).
Higit pa aniya sa 194 o 195 na lagda na iniuutos ng Konstitusyon ang kanilang nakuha bagaman at puwede pa aniyang umurong ang dalawa sa mga kongresistang lumagda sa hindi ibinunyag na dahilan.
Sinabi naman ni House Majority Leader at Davao City Rep. Prospero Nograles na makikipag-usap na sila sa Senado upang mapag-usapan kung kailan iko-convene ang dalawang kapulungan ng Kongreso bilang Constituent Assembly. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended