Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., bilang mga miyembro ng CPP Central Committee noong dekada 80 ay nilagdaan ng tatlo ang kautusan hinggil sa "pagsalvage" sa mga pinagsususpetsahang Deep Penetration Agent (DPA) ng militar.
Sinabi ni Esperon na ang nasabing summary execution ay bahagi ng Oplan Ahos/Missing Link na namayagpag noong 1980s hanggang 90s kung saan ang mga suspected spies ay pinapaslang.
Mahigit 100 kalansay na ang nahukay ng militar simula noong Agosto 26 sa mass grave sa bulubunduking hangganan ng Baybay-Mahaplag-Inopacan Complex sa lalawigan.
Ang mass grave ay itinuro mismo ng mga nagsisukong mataas na opisyal at miyembro ng NPA kaya nahukay ng Armys 43rd Infantry Battalion.
Ayon kay Esperon ang mga nahukay na kalansay ay dadalhin sa Maynila para isailalim sa DNA (deoxyribonucleric acid) testing. Ang mga makikilalang kalansay ay iti-turnover sa kanilang mga pamilya para pormal na ihatid sa kanilang libingan.
Sinabi ni Esperon na ang pagkakadiskubre sa mass grave ay patunay lamang sa malupit na liderato ng CPP-NPA at totoo ang mga lumalabas na balita na mismong mga NPA ang pumatay sa ilan nilang kasamahan bilang bahagi ng "paglilinis" sa kanilang hanay pero ibinibintang sa military.
Si Ocampo, dating spokesman ng NDF, ay nagbalik-loob sa gobyerno matapos ang 1986 People Power Revolution.
Noong 2005 ay inihayag ng militar na nakakumpiska sila ng mga dokumento na magpapatunay na pinopondohan umano ng partylist solon ang komunistang grupo na itinanggi naman nito.