^

Bansa

Solar 1 natagpuan na!

-
Natagpuan na ang lumubog na MT Solar I may 650 metrong lalim sa karagatan ng Guimaras sa pamamagitan ng mala-robot na equipment ng Japanese salvaging vessel na inarkila ng Petron Corp. upang pag-aralan na maiahon ito at maiwasan ang posibleng paglala pa ng sitwasyon ng oil spill sa bansa.

Sinabi ni Philippine Coast Guard Commandant, Vice-Admiral Arthur Gosingan na natagpuan ang barko ng "remote" operated vehicle (ROC) ng barkong Shinsei Maru dakong alas-11 kahapon ng umaga may 7 nautical miles sa timog-kanluran ng Unisan Island sa Guimaras.

Nabuhayan ng loob ang PCG nang madiskubre na nakatayo ang naturang barko sa pagkakalubog nito ngunit bahagyang nakahapay pakanan. Sinabi ni Gosingan na malaki ang posibilidad na hindi na lulubha ang oil spill dahil sa buo pa ang tubo ng naturang barko dahil sa naturang posisyon.

Napansin rin sa video na may tagas sa kanang bahagi ng tanker at may bakas ng langis ngunit hindi naman nakitaan na may tumatagas pang langis buhat dito.

Hindi rin naman nakita ang dalawa pang crew ng barko na patuloy na nawawala dahil sa hindi kumpleto ang pagse-survey sa oil tanker at tatagal pa ng ilang araw bago makabuo ng plano. Pag-aaralan dito kung direktang iaahon ang barko o sisipsipin muna ang langis na laman ng mga natitirang tangke bago ito iahon.

Sinabi naman ni Petron Corp. spokesperson Virginia Ruivivar na hindi ang Shinsei Maru ang mag-aahon sa Solar 1 kundi isa pang barko na nakatakdang dumating din. Ang Shinsei Maru lamang ang nagdala ng ROV habang isa pang mas malaking barko ang mag-aahon sa tanker buhat sa pagkakalubog. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANG SHINSEI MARU

BARKO

DANILO GARCIA

GUIMARAS

PETRON CORP

PHILIPPINE COAST GUARD COMMANDANT

SHINSEI MARU

SINABI

SOLAR I

UNISAN ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with