^

Bansa

NAIA 3 papasukin na ng Piatco

-
Nakatakdang pasukin ngayong umaga ng Phi-lippine International Air Terminals Co., Inc. (PIAT-CO) para sakupin ang kontroberisiyal na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ito ay makaraang ta-ningan sa ipinalabas na kautusan ng Internatio-nal Chamber of Com-merce (ICC) na hang-gang Agosto 31, 2006 ang deadline na ibinigay sa pamahalaan para bakantehin ang NAIA 3.

Sa naunang pahayag ng Piatco, kanilang papa-sukin at ookupahin sa iti-nakdang araw ang NAIA 3 bilang tugon sa ipina-labas namang order ng Singapore based Inter-national Chamber of Com-merce Arbitration Tribunal (ICCAT) na pumapabor sa nasabing contractor ng world-class airport.

Samantala nagpaha-yag naman ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hahadlangan nito ang pla-nong pagsakop ng Piatco.

Ayon kay MIAA gene-ral manager Alfonso G. Cusi, "Papayagan ng MIAA na makapasok ang Piatco kung usual ocular inspec-tion lang at pagkatapos ay lalabas rin ay walang prob-lema. Pero kung ookupahin nila ang T3 ay hindi kami papayag".

Binigyang-diin ni Cusi, na ini-award ng compe-tent court para sa pos-session ng gobyerno ang T3 at umapela na rin ang MIAA kay Cheng Yong, pangulo ng Piatco na ipag-paliban ang pag-okupa upang hindi magambala ang "status quo" para sa karagdagang usaping legal kaugnay ng itinakda ng kautusan ng ICCAT.

Nagpahayag na rin ng kahandaan ang pama-halaan na magbayad at ginagawa na rin ang lahat ng legal na remedyo upang ipawalang bisa ang ipina-labas na temporary res-training order ng Court of Appeals. (Butch Quejada)

ALFONSO G

ARBITRATION TRIBUNAL

BUTCH QUEJADA

CHAMBER OF COM

CHENG YONG

COURT OF APPEALS

CUSI

INTERNATIONAL AIR TERMINALS CO

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

PIATCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with