Palawan, Negros aabutin na rin: Buhok delikadong gamitin sa oil spill - experts
August 31, 2006 | 12:00am
Delikado umano ang buhok para gamitin sa paglilinis sa tumagas na langis sa baybayin ng Guimaras.
Ayon kay Orlando Marquez ng Filipino In- ventors Society (FIS) at Dr. Justino Arboleda, chief ng technology sec- tion ng Coco Technology Corp., hindi maaaring gamitin ang buhok para sa cleanup sa Guimaras dahil ang buhok ay hindi natutunaw o biodegra- dable at delikado sa marine life dahil ang bu-hok ay nakakalason.
Gayunman, sinabi ng mga itong kung plano pa rin ng pamahalaan na gamitin ang buhok, dapat ay maayos itong maisa-sagawa upang hindi ma-kaapekto sa marine life.
Bukod dito, malaki rin anilang gastusan ang gu-gugulin ng pamahalaan para magamit na panlinis sa oil spill ang buhok.
Posible din anilang mangamatay ang mga isda sakaling makain ng mga ito ang buhok.
"Hindi po natutunaw ang buhok, kapag nakain ng isda at nakain naman ng tao, dumidikit po yan sa mga in testines at kasuluk-sulu- kang internal organs ng tao na napakadelikado," paha yag pa ng mga eksperto.
Samantala, posibleng maabot rin ng oil slick ang lalawigan ng Negros at maging ang Palawan dahil sa magulong direksyon ng hangin at alon sa karaga-tan ng Panay Gulf.
Bagamat 15 kilometro pa ang layo sa pampang ng oil slick, inilista ng Phi-lippine Coast Guard bilang mga threatened areas ang mga bayan ng Ilog, Caua-yan, Sipalay at Hinobaan sa Negros. Maaari rin uma-nong umabot sa Tubba-taha Reef ang oil slick, ha-bang pinasok na rin ng la-ngis ang Takong Island sa Guimaras.
Iniulat rin ng PCG na inabot na ng oil slick ang Takong Island national marine reserve na siyang pinakamalaking marine laboratory sa Pilipinas.
Ayon sa mga siyentipi-ko, importante ang papel ng marine laboratory sa ecosystem hindi lamang sa probinsiya ng Guimaras kundi sa buong Pilipinas. Ito ay dahil sa naturang lugar ginagawa ang mga pagsusuri ukol sa marine life sa bansa. (Angie dela Cruz/Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended