Pinayuhan din ni Health Sec. Francisco Duque ang mga naglilinis ng oil spill na magsuot ng mga protective equipment dahil sa nakakalason ang langis na tumagas at mayroong minimal risk level na hindi ligtas sa tao.
Tinataya namang 4,000 pamilya ang apektado ng oil spill sa nasabing lugar subalit tiniyak ng DOH na patuloy silang magbabantay para siguruhin ang kanilang kalusugan.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang DOH tungkol sa napaulat na pagkamatay ng 2-anyos na bata sa Guimaras dahil sa hika. (Gemma Amargo-Garcia)