^

Bansa

Hangin sa Guimaras kontaminado

-
Irerekomenda na ng Department of Health (DOH) ang paglilikas sa mga bata, matatanda at mga buntis sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa Guimaras dahil sa ulat na maging ang hangin dito ay nagiging kontaminado na.

Pinayuhan din ni Health Sec. Francisco Duque ang mga naglilinis ng oil spill na magsuot ng mga protective equipment dahil sa nakakalason ang langis na tumagas at mayroong minimal risk level na hindi ligtas sa tao.

Tinataya namang 4,000 pamilya ang apektado ng oil spill sa nasabing lugar subalit tiniyak ng DOH na patuloy silang magbabantay para siguruhin ang kanilang kalusugan.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang DOH tungkol sa napaulat na pagkamatay ng 2-anyos na bata sa Guimaras dahil sa hika. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE

GEMMA AMARGO-GARCIA

GUIMARAS

HEALTH SEC

IREREKOMENDA

NAGSASAGAWA

PINAYUHAN

TINATAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with