Dumating nitong Lunes ng gabi si Mr. Arroyo mula sa Germany dala ang anyay certification ng HypoVereinsbank sa Munich na nagsasaad na walang account doon ang isang Mr. Jose Miguel Arroyo na naglalaman ng daang milyong dolyares.
Ibinasura rin ni Romulo Macalintal, abogado ng Pangulo at sumama kay FG sa Germany, ang pahayag ni Cayetano na ang account number sa sertipikasyon ng bangko kay FG ay peke.
"Ang account number ay nanggaling kay Cong. Cayetano. Si Cong. Cayetano ang nagbigay ng pangalan ng bangko, hindi kami. Inimbitahan ni Mr. Arroyo si Congressman Cayetano na sumama sa kanya sa Germany subalit tumanggi ang congressman kaya hindi niya maaaring sabihing peke ang account number," ani Macalintal.
Hinimok ni Macalintal na aminin na lamang ang pagkakamali nito sa pagpaparatang ng mga kasinungalingan o harapin na lamang si Ginoong Arroyo sa prosecutors office dahil sa libel na nakatakdang isampa ng huli.