Inatasan ni PGMA si PRC chairperson Leonor Tripon-Rosero na bukod sa pagbalasa sa BON ay dapat maparusahan ang sinumang mapapatunayang sangkot sa sinasabing leakage sa nakaraang nursing board exam.
Sinabi din ng Pangulo na magpapalabas na siya ng executive order kung saan ay dapat sumailalim sa regulasyon ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga review centers.
Iminungkahi naman ni Presidential Adviser on Education Mona Valisno na maamyendahan ang umiiral na R.A 8981 para maihiwalay sa PRC ang paghahanda sa anumang board examination.
Isang bagong opisina ang lilikhain sa ilalim ng PRC na siyang titiyak na ang mga pagsusulit ay maiaakma sa pandaigdig na pamantayan ng bawat propesyon at hindi magkakaroon ng conflict of interest ang mga miyembro nito.
Inabswelto naman ni Mrs. Arroyo ang PRC chief sa pinakahuling kontrobersya dahil naging maayos naman ang pinangasiwaan nitong pagsusulit at natatanging ang huling nursing board exam lamang ang nagkaroon ng problema. (Lilia Tolentino)