Oil spill probe simula ngayon
August 28, 2006 | 12:00am
Sisimulan ngayon ng joint Oversight committee on Clean Water Act ang imbestigasyon sa naganap na oil spill sa lalawigan ng Guimaras matapos lumubog ang isang oil tanker na naglalaman ng may 2 milyong litro ng langis ng Petron. Pangungunahan nina Sen. Pia Cayetano, chair ng Senate committee on environment and natural resources, at Manila Rep. Miles Roces, chairman ng House committee on environment, ang imbestigasyon sa oil spill sa Guimaras.
Inaasahang dadalo sa pagdinig ngayon sina Environment Secretary Angelo Reyes, Health Secretary Francisco Duque, Vice-Admiral Arthur Gosingan ng Philippine Coast Guard, Petron president Nicanor Alcantara at Clemente Cancio, president ng Sunshine Maritime Development Corp. na may-ari ng lumubog na MT Solar 1. Dadalo din sina Guimaras Gov. Joaquin Carlos Nava, Iloilo Gov. Neil Tupaz, Negros Occidental Gov. Joseph Maranon gayundin ang Greenpeace-Southeast Asia sa pangunguna ni Von Hernandez. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended