Jinggoy sa NCRPO chief: Arestuhin mo ko!
August 28, 2006 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada si National Capital Regional Office (NCRPO) chief Reynaldo Varilla na arestuhin siya dahil sa libel case na isinampa ni First Gentleman Mike Arroyo laban sa kanya.
Sinabi ni Sen. Estrada, hindi siya natatakot na makulong dahil sa pakikipaglaban sa kanyang prinsipyo at pagbubunyag ng mga anomalyang nangyayari sa ilalim ng Arroyo government.
Wika pa ni Estrada, puwede siyang hulihin ni Varilla kung nasa recess ang Kongreso at kusang loob siyang sasama sa aaresto sa kanya dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Pasay City Judge Wilhelmina Jorge Wagas.
"I am ready to go to jail because Im fighting for the truth, maybe Atty. Arroyo is afraid that I will expose the truth about his involvement in anomalies," dagdag pa ng mambabatas.
Magugunita na tinangkang arestuhin ng Pasay police si Estrada noong nakaraang linggo dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ng korte subalit ibinasura ito ni Senate President Manuel Villar Jr. dahil walang sinumang miyembro ng Kongreso ang puwedeng arestuhin habang nasa sesyon ang Kongreso.
Sa ilalim ng Article 6 section 11 ng Konstitusyon ay sinasabing hindi puwedeng arestuhin ang sinumang senador o kongresista kung ang kaparusahan nito ay mas mababa sa 6 taon habang nasa sesyon ang Kongreso. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest